JOSHUA BENITEZ Nagising ako na magaan ang aking pakiramdam, wala na akong lagnat. Napangiti ako dahil alam kong magdamag akong inalagaan ni Liezel. Tumagilid ako para tignan siya, pero pag lingon ko ay wala ng tao sa tabi ko. Maayos ng nakasalansan ang unan at kumot na ginamit niya. Tumayo ako para tingnan siya sa kusina, ngunit wala akong nakitang anino ni Liezel. May napansin akong sulat kaya lumapit ako sa refrigerator para kunin ito. “Good morning Gov, Pasensya na po kung iniwan ko po kayo, maaga po akong umalis dahil kailangan pong bumalik ni Mama ng Laguna para asikasuhin ang mga kapatid ko at pumasok po siya sa trabaho. Hindi na po kita ginising dahil alam kong kailangan mo ng pahinga. Huwag ka po mag alala sa akin mag iingat po ako. Tawagan mo na lang po ako kung sakaling may sa

