JOSHUA BENITEZ Nasa byahe na ako pauwi ng Laguna, hindi ako mapanatag dahil sa nangyari sa amin ni Liezel kanina. Nag aalala ako sa kanya, alam kong naiinis siya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Dan, gusto kong malaman kung nasa ospital na ba si Liezel. “Dan, how was Liezel? Is she there?” Agad kong tanong sa kausap ko na nasa kabilang linya. “Opo Gov, nakaupo siya ngayon sa tabi ng papa niya. Sabi ng pala ng doctor next week pwede na siyang makalabas ng ospital.” Ani sa akin ni Dan. “Is Liezel, okay?” Muli kong tanong dahil hindi ako mapanatag. “Pagdating niya kanina para siyang galing sa iyak, ano bang nangyari sa breakfast ninyo?” Tanong ni Dan. “Saka ko na iku-kwento sayo, paki bantayan na lang muna siya. If there is anything that her fathers need just

