LIEZEL DELA CRUZ Mag aalas sais na ng hapon ng tawagan ako ni Adrian, papunta na daw siya dito sa ospital para sunduin ako. Hindi pa ako nakakapag out dahil may ilang minuto pa naman ang natitira sa oras ko. Ngayon kasi kami pupunta sa hotel kung saan siya makikipagkita sa kaibigan niya na balak magtayo ng isang beach hotel dito sa Palawan. "Nurse Liezel, pwede mo ba akong iassist sa pagtanggal ng tahi ng isa nating pasyente sa ward 302?" sabi sa akin ni Doc. "Out ka na ba ngayon?" muli niyang tanong. "Opo doc, hanggang 6pm lang po kasi ang duty ko ngayon." magalang ko namang sagot. "Pwede ka bang mag overtime kahit 30 minutes lang, kulang kasi tayo sa nurse ngayon?" pakiusap ni Doc. Umoo ako dahil nahiya akong tumanggi, "Sige po Doc," Sagot ko. Kinuha ko na anng mga gagamit

