LIEZEL DELA CRUZ Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa lobby. Umupo ako sa isang sulok yung hindi masyadong matao, para kahit papaano makapag-isa ako walang makapansin sa akin. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko. Nanginginig ang mga kamay ko at ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Parang anumang oras, bibigay ako. Huminga ako nang malalim. Isa… dalawa… tatlo. Kalma, Liezel… kalma lang… ani ko sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang gallery. Agad na bumungad ang picture ng kambal. Napangiti ako, pero kasabay nun, parang may kumurot sa dibdib ko. Paano kung malaman ni Josh na may mga anak kami? Paano kung hingin niya ang karapatan niya bilang ama? Paano kung… kunin niya sila sa akin? Ang dami kong tanong pero hindi ko man lang mahanap ng kasagutan. Mabilis akong n

