JOSHUA BENITEZ Nandito kami ngayon sa room namin dito sa hotel at nag iinom ng mga kaibigan ko. "Bro, seryoso ka ba, yung girlfriend ni Adrian ang sinasabi mong asawa mo dati. Siya ang dahilan bakit ka naging sobrang workaholic?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Rufus. "Ibang klase din magbiro ang tadhana, yung babaeng nang iwan sayo ay dito lang pala natin sa Palawan matatagpuan." sabi ni Julius. Tahimik akong uminom pagkatapos magsalita ni Julius. Mainit ang hagod ng alak sa lalamunan ko, pero wala ’yon kumpara sa sakit na nararamdaman ko. “Hindi siya nang-iwan,” bigla kong sabi," Nag-usap kami na maghihiwalay, pero hindi ko alam na lalayo siya at mawawala siya sa akin." pagtatama ko. Napatingin silang lahat sa akin. “Bigla lang siyang nawala,” dagdag ko, mas seryoso. “M

