LIEZEL DELA CRUZ Pag-alis ni Josh, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad palabas. Para akong lutang. Hindi ko na hinintay si Adrian, hindi ko pa kayang humarap sa kahit na kanino sa kanila. Sumakay agad ako ng tricycle. “Sa may bayan po,” mahina kong sabi sa driver. Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. Habang umaandar, mas lalo kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, halo halo na siya. Takot, kaba at galit dahil sa eksenang ginawa nila kanina. Kung hindi pa ako umalis dun baka nahimatay na ako sa sobrang nerbyos ko kanina. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Usto kong kahit sandali lang ay makalimutan ko ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko ay hindi siya maalis sa isip ko. “Bakit ngayon pa…” bulong k

