LIEZEL DELA CRUZ Ilang oras na ang lumipas, hindi pa rin nagre-reply si Josh. Paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Baka lang hindi ko napansin. Baka lang may message na at di ko lang agad nabasa. Pero wala. “Hindi kaya nagalit na siya sa akin?” bulong ko. Mas lalo akong hindi mapakali. Kinakabahan ako, bakit ba kasi pinalaki ko pa ang away namin dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at masta ako ng ganun. Nakailang higa, tayo at lakad na ako, but still wala pa rin akong nare-recieve na message galing sa kanya. Umupo ako sa kama ko, hidi kaya tuluyan na siyang nagalit sa akin? Jusko, mas lalo akong kinakabahan, hindi ko na alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Tumingin ulit sa phone.Ang tanga mo kasi, Liezel…” bulong ko sa sarili ko. “Nagso-sorry na nga

