CHAPTER 112

1189 Words

LIEZEL DELA CRUZ Halos isang linggo na kaming nakatira dito sa bagong bahay, pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na totoo na lahat ng ito. Tuwing umaga, pagmulat ko ng mata at makita ko ang kisame ng kwarto namin, napapangiti na lang ako. Hindi na kami nakikitira, hindi na ako mahihiya dahil may sarili na kaming bahay. Tahimik ang buong bahay ngayon. Nasa playroom ang kambal kasama ang yaya nila, habang ako naman ay nandito sa kusina, nagtitimpla ng kape. Sanay pa rin kasi akong ako ang gumagawa ng maliliit na bagay, kahit may tumutulong naman sa amin. “Ang aga mo naman nagising.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Josh. Nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at shorts, medyo magulo pa ang buhok. “Sanay na,” sagot ko, sabay abot ng kape sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD