CHAPTER 58

1201 Words

LIEZEL DELA CRUZ Mabigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang kalsadang papunta sa sakayan. Parang bawat yapak ko ay may kasamang hapdi sa puso ko. Panay ang tulo ng luha ko, hindi ko na nga pinupunasan. Hinahayaan ko na lang silang dumaloy, parang iyon na lang ang paraan ko para mailabas ang sakit na kanina ko pa pilit kinikimkim. Wala na akong pakialam kung may mga taong napapatingin sa akin. May ilang nagbubulungan, may ilang nagtataka kung bakit may babaeng naglalakad na parang gumuho ang mundo. Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga, tuloy ang lakad ko. Patuloy ang paglayo ko sa lugar kung saan ako nangarap at nabigo. Hindi ko na nilingon ang bahay. Hindi ko kayang lumingon. Dahil alam ko na kapag ginawa ko yon, baka bumigay ako. Baka tumakbo ako pabalik. Baka kalimutan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD