Paga pasok ko agad kong inamoy ang sarili ko kung mabango pa ba ako. Nakakahiya baka lumapit siya sa akin at maamoy na amoy pawis na ako. Nagpalit ako ng tshirt at ipinuyod ko ang buhok ko. Narinig kong nagkakagulo na sila sa living. Naglagay lang ako ng konting collogne para hindi mahalata ng mga kaibigan ko. Lumabas ako at tumayo ako sa likod ng mga kaibigan ko. Nakatingin siya sa akin at titig na titig. Medyo naiilang ako kaya tinarayan ko siya para hindi ako mahalata. Lumapit siya sa akin at inabot ang bulaklak, kinilig ako pero hindi ko pinahalata. Naka poker face pa din ako at parang balewala lang sa akin. Hindi ko sana tatanggapin ang bulaklak, pero naawa naman ako sa effort niya kaya tinanggap ko na ito at napasalamat sa kanya. Pagkatapos ay nilapitan siya ng mga anak ko,

