LIEZEL DELA CRUZ Kahit anong pikit ko, hindi pa rin ako makatulog. Iba ang nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Josh. Iba ang t***k ng puso ko kapag kasama ko siya. "Babe, matulog ka muna para makapgpahinga ka." malambing niyang sabi, ang mga mata niya ay diretsong nakaharap sa daan habang nagmamaneho siya. "Babe ka jan, bakit nanligaw ka na ba sa akin?" mataray kong sabi sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti sa gilid ng mata ko. Parang mas magaan na ngayon ang pakiramdam ko, simula ng malaman ko na wala ng bisa ang kasal nila ni Carla at malaya na siyang muli. Napairap ako kahit hindi niya ako tinitingnan. “Ngumingiti ka pa jan,” dagdag ko, kunwari iritado. “Feeling mo kinikilig ako sa’yo?” Masungit kong sabi. Mahina siyang natawa, yung tipong pigil pero ramdam mong natutuw

