“Mahal kita,” sagot ko. “Pero kailangan mo pa rin paghirapan. Nakuha muna nga ulit ang petchay ko ng walaang kahirap-hirap. Kita mo nangyari ngayon, hirap akong maglakad.” sabi ko sa kanya sabay irap. “Grabe,” natatawang sabi niya. “Ang hirap mo naman ligawan.” “Kasalanan mo ‘yan,” sagot ko agad. Napailing siya pero hindi nawala ang ngiti. “Josh, wala ka pa bang balak na tumayo, tignan mo ang oras almost 9 a.m na,” sabi ko. “Baka hinahanap na tayo ng mga bata.” Hinila niya ulit ako pabalik. “Hayaan mo muna sila.” “Josh! Hindi pwede, tumayo ka na jan at uuwi na tayo.” sabi ko sa kanya. Hinila ko na ang kamay niya para mapilitan siyang tumayo. “Sandali lang,” sabi niya, mas malumanay. "Hindi ba pwedeng dito muna tayo, gusto ko pang sulitin na magkasama tayo." Malambing niyang sabi.

