" Talaga ba, mahal? Mahal muna ako bago pa man kita alukin na magsama tayo? " Hindi makapaniiwalang tanong niyaa. Mabilis naman akong tumango, medyo lumuluha pa ang mga mata ko. "Akala ko kasi napilitan ka lang noon, kaya ginawa ko ang lahat para mainlove ka sa akin. Buti na lang din talaga gwapo ako. Kaya naglaway ka din sa akin. Kaya nga naka buo tayo kahit hindi pa ako magaling." mayabang pa niyang sabi sa kain. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahampas ko talaga siya. Aba at niyabangan pa ako. “Isa pa,” dagdag ko. “Kakausapin ko din si Adrian.” Napakunot ang noo niya. “Bakit?” “Kailangan niyang malaman na… okay na tayo,” sagot ko. “Ayokong may ibang masaktan pa. Naging mabait si Adrian sa akin simula ng una niya akong makita sa airport. Alam ko naman na may pagtingin siya

