JOSHUA BENITTEZ Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kama, ang huling natatandaan ko ay doon ako sa veranda natulog. Bumangon na ako sa kama at pumasok sa banyo para maligo, masakit ang ulo ko dahil sa hang over. Nasobrahan yata ako ng inom kagabi kaya hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko. Nagising ako na wala si Liezel sa tabi ko, kaya kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon para ipag luto siya ng almusal. Gusto kong bumawi sa kanya, ngayon ko lang narealize na baka nga mali ako sa sinabi ko na naaawa ako kay Carla. Napaka insensitive ko sa part na yon. "Ang tanga mo, Josh..." Sabi ko sa sarili ko. Sa dami kong pwedeng sabihin yung word pa talaga na yun. Natural nga magagalit ang asawa ko pag ganun. Napabuntong-hininga ako, kailangan kong bumawi sa kanya. Kai

