JOSHUA BENITEZ Paglabas namin ng mall ay napakapit ako sa braso ni Josh, inalalayan niya akong maglakad diretso sa sasakyan namin. "Babe, grabe ka palang magalit, nakakatakot ka." Sabi niya sa akin. "Akalain mo, nawala ang tapang ni Carla. Akala ko pa naman ikaw ang nakakaawa, bigla tuloy akong naawa sa kanya." Sabi ni JOash na ikinainis ko. "So, kay Carla ka naawa, kaya pala panay ang pigil mo sa akin kanina. Eh di dapat sa kanya kana sumama. Kaya ko naman ang sarili ko. Nakaya ko nga na 3 taon ng mag isa hindi naman siguro ako mamamatay ngayon kung mawawala ka." mataray kong sabi sa kanya. "Babe, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin." Sabi ko sa kanya. "Talaga ba? kaya pala inaya mo na akong iwan siya... Kasi nga pala, naaawa ka sa kanya. Sorry ha, nakalimutan ko nga palang

