Pero laking gulata ko dahil pag tingin ko ay si Carla ang nakita kong nakatayo sa harap ko at galit na galit. Halos manlisik ang mga mata niya sa galit sa akin. “Ang kapal ng mukha mo, talagang may mukha ka pang ihaharap sa mga tao." malakas na sigaw niya. Napalingon ang mga tao sa paligid, ang iba ay tumigil pa para manoood. “Carla!” sabi ni Josh, pero hindi siya pinansin nito. “Anong ginagawa mo dito?” sigaw niya sa akin. “Hindi ka pa ba kontento? Inagaw mo na nga siya sa akin! Ngayon, ang lakas pa ng loob mo na magpakita sa mga tao na magkasama kayo. Mang aagaw ka! Ahas ka! kunwaring mabait pero malandi ka naman!” sunod-sunod na sabi niya. Nanatili akong tahimik at hindi nagsasalaita. Hinahayaan ko lang siyang magsisisigaw. Ayaw kong patulan siya dahil pagsisimulan yun ng gulo

