LIEZEL DELA CRUZ "Anak, nakakatuwa naman ang mga anak mo, ang babait nila at talagang hindi pihikan sa pag kain." Masayang sabi sa amin ni nanay. "Lola, masarap po ang luto mong adobo, gusto ko pa po." Magiliw na sabi ng anak ko. Halatang nasarapan nga sa adobo ni mama. Pagkatapos kaming kumain, kinuha ng mga kapatid ko ang kambal at nilaro nila.. Tuwang tuwa ang pamilya ko sa kanila dahil napaka dadaldal daw nila. " Ate, pwede ba namin hiramin silang dalawa, kahit 2 days lang. Ang tahimik kasi dito sa bahay, kapag nandito sila tyak malilibang si papa dahil may kakausap sa kanya." sabi ng kapatid kong lalaki. Tinignan ko si Josh, kung papayag ba siya na ipahiram ang mga anak namin. "Wala naman problema, babe, ngayon lang nila makakasama ang kambal. Basta gusto ng mga batang maiw

