“Finally!” sigaw ni Yham nang makita kami. Nakasuot siya ng wedding gown at napaka ganda niya. Lumapit ako sa kanya at binati ko siya. "Congrats, Yham, I'm happy for you. Natupad na ang isa sa mga pangarap mo ang makasal kay kuya Dan. Nakangiti kong sabi sa kanya. “Late kayo!” sabi niya sa akin na parang nagtatampo. “Sorry na, bride,” sabi ko. "Malapit ka na ring ikasal." sagot naman sa akin ni Yham. "Ay... Sana all na lang ako..." Sabi naman ni Aira. "Ako kaya, darating pa kaya ang prince charming ko." Dagdag pa niya. "May irereto kami sayo." Sagot naman ni Josh. "naku Gov, utang na loob tigilan na ninyong mag asawa ang kakareto sa akin. Noong una manloloko, sumunod may saltik.. Naku utang na loob ayaw ko na, baka mas malala na ngayon ang mapunta sa akin. Okay na akong tuman

