JOSHUA BENITEZ Habang kinakasal ang mga kaibigan namin ay nakatingin lang ako kay Liezel. Alam kong pangarap nia rin na maikasal sa simbahan kaya ibibigay ko yun sa kanya. Natapos ang seremonyas ng kasal, nagpalakpakan ang lahat ng saksi na dumalo sa kasal ni Dan at Yham. “Congrats, Mr. and Mrs. Santiago!” sigaw ng mga bisita. Lumapit kami para batiin sila. “Pre, ayos ka na. Hindi ka na makakatakas,” biro ko kay Dan. “Wala na, tapos na buhay ko,” sagot niya sabay tawa. “Arte mo,” singit ni Yham. “Masaya ka kaya, unli b*****g ka na ngayon.” dagdag pa niya kaya nagkatawanan na naman kami. Lumapit si Liezel sa bride at niyakap niya ito. Matagal na silang magkakaibigan na tatlo at hanggang ngayon at matatag pa rin ang friendship nila. “Ang ganda mo,” sabi niya kay Yham. “Salamat

