LIEZEL DELA CRUZ Malamig na hangin at amoy ng baybayin ang unang bumungad sa akin paggising ko ngayong umaga. Malayo ito sa ingay ng siyudad na nakasanayan ko. Isang maliit na kwarto ang tinutuluyan ko dito sa resort ni Adrian. Siya ang lalaking nakilala ko kahapon habang naghihintay ako ng masasakyan paglabas ko ng airport. Mula dito sa balkonahe ay tanaw ko ang malawak na dagat, ang mga matatayog na puno ng niyog, at ang kulay asul na karagatan na tila walang hanggan. May ilang mangingisda rin sa di kalayuan na hinihila ang kanilang lambat habang dahan-dahang sumisilip ang araw sa silangan. Tahimik at payapa ang paligid. Ang sarap pakinggan ng hampas ng alon sa mga batuhan—parang hinuhugasan nito ang lahat ng bigat na dala ko mula sa nakaraan. Huminga ako nang malalim. Ito ang hin

