Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “Hindi ka ba napapagod? Ikaw lang ang nakakaalala, lagi kitang nakikitang malungkot at umiiyak. Kapag nandyan si Carla lumalayo ka at lagi ka niyang inaaway. Ano ba ang naging relasyon nating dalawa?" kita ko sa mukha na na gusto niyang alalahanin ang lahat sa akin, pero nahihirapan siya. Ngumiti ako, kahit mabigat. “Kahit ano pa man ang mangyari, kahit magkalayo pa tayo mananatili ka rito sa puso ko. Hindi mo man maalala ngayon, sapat nang alam kong minsan, naging masaya tayo.” “Pero paano kung hindi na bumalik?” tanong niya, halos pabulong. Hindi ko na naman napigilang pumatak ang mga luha ko. Bahagya siyang yumukod upang abutin ako, at marahan niyang pinahid ang mga butil ng luhang patuloy na bumabagsak mula sa aking mga mata. “Uy,”

