Paglapit ko, marahan niyang inilapit ang noo niya sa noo ko. Tanging ang mabagong hininga niya ang naaamoy ko, mainit at mabagal ang bawat pag buga, unti-unti itong nagpapawala ng katinuan ko. “Josh…” sambit ko, halos pabulong, pero punong-puno ng pananabik ang pagbigkas ko sa pangalan niya. Para bang iyon lang ang hudyat na hinihintay niya. Sa isang iglap, naglapat ang aming mga labi. Isang mapusok na halik ang ginawa niya na siya ko namang tinugunan. Puno ng pananabik—isang halik na para bang kay tagal naming ipinagkait sa isa’t isa. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko, napahawak ako sa leeg niya, na para bang doon lang ako makakakuha ng lakas. Humihingal kami pareho ng maghiwalay ang aming mga labi. Hinaplos ko ang pisngi niya, saka ang batok niya, hinayaan

