Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay tumango siya nang bahagya. “Siguro.” Muli kaming natahimik. Pero hindi na iyon yung awkward na katahimikan. Parang may isang hindi nakikitang koneksyon sa pagitan naming dalawa—dalawang taong parehong may iniwan sa nakaraan. “Liezel…” tawag niya. “O?” “Kung ano man ang dahilan kung bakit ka napunta dito… safe ka dito.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng sinabi niyang iyon ay parang may kung anong gumaan sa dibdib ko. Matagal na panahon na rin simula nang may magsabi sa akin ng ganoon. "Sya nga pala, Liezel, pagkatapos nating kumai ipapakita ko sayo ang clinic kung saan ka mag tatrabaho. Usually 1st aid lang naman ang kailangan na gamutin dito kaya hindi na kailangan ng doctor." sabi sa akin ni Adrian. "Bakit ka nga pala kailangan

