“Kanina po nahilo ako,” sagot ko. Nakatayo naman si Adrian sa tabi ko, seryoso ang mukha habang pinagmamasdan ang ginagawa ng nurse. “Let's run some tests first,” sabi ni Dra. Camille habang sinusulat ang request form. “Blood test at urine test muna tayo para makita kung ano ang dahilan ng pagkahilo mo.” Tumango na lang ako. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay bumalik ang nurse dala ang resulta. Napansin kong biglang naging seryoso ang mukha ni Dra. Camille habang binabasa iyon. “Is there something wrong, doc?” tanong ko. Tumingin sa akin ang doktora bago siya nagsalita. “Wala namang problema sa vital signs niya.” “Pero may kailangan kang malaman.” Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. “What is it?” muli kong tanong. Diretsong tumingin sa

