JOSHUA BENITEZ Papunta na kami ni Liezel ng Hongkong, nandito na kami sa Airport at hinihintay na lang namin ang boarding time namin ng biglang tumawag sa akin si Mommy. Sinabi niya na nasa ospital daw si Carla at buntis, kaya pinauwi ako agad ni Mommy ng Laguna para puntahan ang asawa ko. Iniwan ko si Liezel sa airport, sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Carla. Pumayag siya na huwag na lang kaming umalis, pero dahil gusto ko na mag enjoy siya ay pinilit ko siyang ituloy ang pag punta sa Hongkong at nangako akong susunod sa kanya. Palabas na ako ng airport ng makasalubong ko ang aking pamangkin na Michael. Pinakiusapan ko siyang samahan si Carla pero huwag niyang ipapaalam na pamangkin ko siya. Binilinan ko rin siyang na ibilihan si Liezel ng mamahaling bag bilang regalo dahil hin

