Nagkatinginan ang mag asawa, nagulat sila sa naging reaksyon ni Gov, hindi nila akalain na hinahanap niya pala ang kanilang anak. “Pasensya ka na, Gov. Kahit gusto naming sabihin kung nasaan si Liezel ay hindi rin namin alam. Oo, nakakausap namin siya kapag tumatawag siya, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ayaw niyang ipaalam para kung sakaling puntahan mo kami, kagaya ngayon, ay wala kaming masabi sa’yo at hindi kami madamay sa eskandalo,” mahinahong paliwanag ni Aling Rosario. Bahagyang yumuko si Josh. Ramdam ng lahat ang bigat ng katahimikan sa loob ng maliit na sala. “Kung hindi po ninyo alam… kahit ang number na lang po niya,” pakiusap ni Josh. Halos pabulong na ang boses niya, tila takot marinig ang sagot. Napatingin si Aling Rosario sa asawa niyang si Mang Armando bago

