"Mom, hanggang ngayon naniniwala pa rin kayo sa sinabi ni Carla na anak ko ang batang kasama niya? Naniwala naman kayo sa pekeng DNA test na ipinakita niya sa inyo," galit na sagot ni Josh sa kanyang ina. “Hindi pa ako susuko sa paghahanap kay Liezel kung yan ang gusto ninyong malaman, Mom. And please don't meddle in my personal problems. At wala rin akong balak na makipag-ayos kay Carla,” matatag na sabi ni Josh. Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Iho… hanggang kailan?” Unti-unting tumingin si Josh sa bintana ng kanyang opisina. Matagal siyang hindi nagsalita bago siya muling bumaling sa kanyang ina. “Hanggang sa makita ko siya.” Napansin ng kanyang ina ang lungkot sa mga mata niya. “Gusto ko lang siyang makita ulit. Hindi para pilitin siyang bumalik.” Saglit siyang napangiti, n

