Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Nakita niya ako noon na walang matuluyan paglabas ko ng airport at hindi siya nagdalawang isip na alukin ako na sa resort muna tumuloy , kalaunan ay binigyan niya rin ako ng trabaho. Hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. Napakabuting tao ni Adrian, kung sana lang kaya kong suklian lahat ng kabutihan niya sa akin. “Liezel…” tawag niya sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang okay ka lang dito?” tanong niya. Bahagya akong natigilan. “Bakit mo naman natanong?” “Paminsan-minsan kasi napapansin kong tumutulala ka,” sabi niya habang maingat na nakatingin sa akin. “Parang may iniisip ka.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kailangang itanong kung ano ang tinutukoy niya. Alam kong minsan ay hin

