Ngumiti siya, saka marahang hinawakan ang kamay ko. "Teka naman, wala naman sanang ganyan. Respeto naman sa single." natatawang sabi ni Julius sa amin. Biglang nag init ang mukha ko, hindi ko alam kung paano ko itatago ang pagkapahiya ko. Alam ko na mapula na ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko naiwasan na mapagawi ang mata ko sa pwesto ni Josh, at nakita ko ang pag igting ng panga niya. Ilang sandali pa, siya naman ang nagsalita. “So, Adrian…” malamig niyang bungad, “kailan pa kayo?” bigla niyang tanong. Napatingin si Adrian sa kanya, tila nagtataka. “Ah… hindi pa naman ganun katagal.” medyo nauutal pang sagot ni Adrian. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ni Josh. “Ganun ba?” sagot ni Josh, sabay sandig sa upuan niya. “Ang bilis mo naman. Matagal na ba kayong magkakilala

