Hindi na kami nagbatian. Wala na kaming ganung klaseng relasyon. Nagsimula ang hearing. “Call the case,” sabi ng judge. Isa-isang tinawag ang pangalan namin. “Joshua Benitez…” “Carla Montes... ” Tahimik kong sinagot ang presensya ko. Pagkatapos, nagsimula ang abogado ko. “Your Honor, we are here today to formally present the grounds for the annulment of marriage between my client, Mr. Joshua Benitez, and Mrs. Carla Montes.” sabi ng abogado ko. Habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako sa harap. Pero sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang tingin ni Carla. Alam kong galit siya sa akin, pero wala akong pakialam. Malinaw ang usapan namin noon, na walang mamamagitan sa aming dalawa. “Your Honor,” patuloy ng abogado ko, “this marriage has long been devoid of mutual respect, emotional

