Napakunot ang noo ko. Sirain? Talaga? “Did you have another partner during the marriage?” diretso tanong ng abogado ko sa cross-examination. Tahimik lang siya, para bang ayaw niyang sagutin ang tanong. “Answer the question,” dagdag ng abogado ko. Napahigpit ang hawak ni Carla sa rail ng witness stand. “Yes,” sagot niya sa wakas. “But—” hindi niya natapos ang sasabihin niya. “But what?” putol ng abogado ko. “Hindi ako ang unang lumayo!” bigla niyang sagot, tumaas ang boses. “Siya ang unang nawalan ng pakialam!” Parang kumulo ang dugo ko. “Excuse me?” hindi ko napigilang sambit. “Order!” sigaw ng judge. Pero hindi na napigilan si Carla. “Akala mo ba hindi ko alam?” galit niyang sabi habang nakatingin sa’kin. “Na may iba ka? Na may babae ka habang kasal pa tayo?” Napatawa ako

