“Good morning, mga baby,” sabi ko, hindi mapigilan ang ngiti. “May dala ka po?” tanong agad ng isa. Napatawa ako. “Syempre meron.” “Tingnan namin!” sabay nilang sabi. Napangiti ako, ang sarap pala sa pakiramdam na may naghihintay na sa sa pagdating mo at hihingian ka ng pasalubong. Ngayon ko nararamdaman ang tunay na saya at halaga ng peraang pinaghirapan ko ng ilang taong pagtatrabaho. Para lahat sa mga anak ko at kay Liezel. "Let's go; come with me outside." Masaya kong sabi sa kanila. "Yehey! Tatay, les gow!" bulol pang sabi ni Freya at Matt. Hinila na nila ako palabas ng bahay, inabutan namin si Dan na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Mabilis na tumakbo ang mga anak ko palapit sa kanya. "Sino po siya, Tatay?" tanong ni Freya. "Siya si Tito Dan, kaibigan ko at magiging as

