JOSHUA BENITEZ Huminga ako nang malalim bago pinindot ang doorbell sa gate. Ewan ko ba… parang mas malakas ang t***k ng puso ko kaysa sa tunog ng doorbell. Kinakabahan talaga ako, pakiramdam ko kakapusin na ako ng hininga sa sobrang kaba. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet ng pink tulips. Habang hinihintay ko ang pag bukas ng gate. Kabado ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay wala pang lumalabas para buksan ang gate. “Kalma ka lang, Josh…” bulong ko sa sarili ko. “Baka may ginagawa lang sila at hindi agad narinig ang doorbell.” pampalubag loob kong sabi sa sarili ko. Ilang segundo pa ang lumipas. Walang sumasagot, at wala rin nagbubukas ng gate. Napalingon ako kay Dan na nasa loob pa ng sasakyan. “Baka wala sila?” sabi niya. “Meron,” sagot ko agad. “Ramdam ko.” Napailing

