Mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo. "Ang tang mo Josh! Anong oras na? Akala ko babawi ka, bakit ka late ng nagising?" naiinis kong sabi sa sarili ko. Nagmamadali na akong maligo, hindi na ako nagtagal sa banyo. Lumabas na ako at nagbihis, simpleng polo shirt at short lang ang sinuot ko dahil mainit. Saka ako ako nag sapatos at kinuha ko na rin ang shades ko. Lumabas ako ng silid ko at inabutan ko si Dan na bihis na at pachill-chill lang sa living. "Bakit hindi mo ako ginising?" sita ko kay Dan. "Gov, namaos na talaga ako kakatawag sayo, hindi ka sumasagot. Malay ko bang tulog ka pa, inugat na nga rin ako dito kakaabang na lumabas ka." Sagot ni Dan. Napasuklay na lang ako sa buhok ko gamit ang kamay. Bakit ba kasi hindi ako agad nagising. Dati rati naman mabili

