JOSHUA BENITEZ “May gusto sana akong i-ask…” sabi ko. Tumaas ang kilay niya. “At ano ‘yon? sabihin mo na kanina ka pa may gustong s abihin pero hindi ka naman nagsasalita. Ano huhulaan ko pa ba kung anong gusto mong sabihin.” diretsang sabi niya sa akin. Medyo ramdam ko na naiinis siya. Saglit akong natahimik. Huminga ako nang malalim. “Gusto mo bang…” Huminga ako nang malalim. “Gusto mo bang… mag-beach tayo?” dire-diretso kong sabi. Saglit siyang natigilan. Parang tingin ko tatangi siya. “Tayo?” mataray na ulit niya. “Kasama ang kambal,” agad kong dagdag. “At… sila,” sabay turo ko kina Dan. “Hoy!” reklamo ni Aira. “Parang ayaw mo pa kaming isama.” hirit pa niya. Napatawa ako. “Kasama kayo, wag kayong mag-alala. Maiiwan na ako pero kayo kasama." Biro ko sa kanya. Napatingi

