“Yeyyyy!” sabay sigaw ng kambal. Tumakbo sila papunta sa’kin at niyakap ako. “Tatay, beach tayo!” masaya nilang sabi. Napatawa ako at niyakap sila. “Oo, baby… beach tayo.” masaya kong sagot sa kanila. Napatingin ako kay Liezel. Hindi siya nakangiti. Pero wala na yung lamig sa mata niya. Mukang hindi na siya galit at bukal na sa loob niya ang pagpayag. “Gov,” bulong ni Dan sa’kin. “Ano?” sagot ko naman sa mahina ring boses. “First step successful,” nakangisi niyang sabi. Napangiti ako. “Hindi pa tapos,” sagot ko. Habang yakap ko ang kambal… Isa lang ang nasa isip ko. Ito na yung pagkakataon. Hindi lang para mapasaya sila. Kundi para unti-unting maibalik si Liezel sa’kin. At sa pagkakataong ‘to— Sisiguraduhin kong hindi na ako magkakamali. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko h

