HAIDE'S POV.... NAPATDA ako, dahil sa sinabi ni Mayor. Wala naman akong matandaan na may pinaperma siya sa akin noon, bago kami ikasal. Ang tanging natatandaan ko lang ay basta na lang kaming ikinasal na wala akong kaalam-alam. "Anong pinermahan, Mayor? Wala akong pinermahan na kahit ano, maliban sa marriage contract natin!" sagot ko kay Mayor. Naiinis na rin ako sa kanya, dahil siya na nga ang may kasalanan sa akin, tapos siya pa ang mas galit sa 'kin. "May pinaperma ako sa 'yo noon Haide, bago ka tumira dito sa Penthouse." malumanay na sagot sa akin ni Mayor. Ngunit ang tema ng kanyang boses ay biglang nag-iba. Parang pilit lang ang pagsagot niya sa akin. Bigla rin lumamlam ang expression ng kanyang mukha, at tila nalungkot siya bigla. Hindi ko alam kung nagsisisi siya sa sinabi niya

