PAGDATING ko dito sa Penthouse ay patakbo akong umakyat sa taas, para magkulong sa loob ng kuwarto. Parang sasab0g ang dibdib ko, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Bakit hindi sinabi sa 'kin ni Mayor na kasama niya ang impaktang linta na iyon sa pangangampanya niya? Pakiramdam ko ay para akong trinaid0r. Ang sabi ni Mayor ay hindi na niya hahayaan na muling humawak sa kanya ang impaktang iyon, ngunit kitang-kita ng dalawang mata ko na masaya silang magkayakap. Sa harapan pa ng napakaraming tao. "I hate you, Mayor! Manloloko ka! Bababerooooo!..." malakas na sigaw ko, saka ako humagulgol ng iyak. "Manloloko ka!..." humihikbing sambit ko. Hinila ko ang comforter at tinanggal ito sa kama, saka ko nilamukos at tinapon sa sahig. Kinuha ko rin ang mga unan namin at pinanghahagis ko sa

