SUMAKAY si Haide sa kotse ni She, patungo sa City Hall. Si She na rin ang nag drive ng sasakyan, habang naka sunod naman ang mga tauhan ni Mayor na nagbabantay kay Haide. Nasa hiwalay na sasakyan naman si Doro, at nakasunod rin ito sa kotse ni She. Tahimik ang dalawang babae sa loob ng kotse. Parehong nakatingin sa unahan ang dalawa, at hindi nag-iimikan. Hanggang sa mapansin ni She ang pananahimik ni Haide, kaya sinulyapan niya ito at kinausap. "Mayora, mukhang kinakabahan ka yata?" tanong ni She sa katabi, saka muling ibinalik ang paningin sa daan. Bigla naman napalingon si Haide kay She, dahil sa tanong nito sa kanya. Tipid na ngiti ang itinugon niya kay She, dahil hindi niya alam ang isasagot sa babae. "Medyo." sagot ni Haide, pagka kuwan. Muling ibinalik ni Haide ang paningi

