NAGISING ako dahil sa nararamdaman kong malambot na humahagod sa labi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at bumungad sa paningin ko ang napaka guwapong mukha ni Mayor Cody. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Tipid na nakangiti, ngunit nanlalalim naman ang nag-iisang dimple nito sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. "Good morning, Wife." pagbati niya sa akin sa paos niyang boses. Muli rin niyang pinaglapat ang mga labi namin. Hindi ko napigilan ang pagpikit ng aking mga mata, pagkalapat ng labi ni Mayor sa labi ko. Parang may kung anong dumaloy sa aking katawan, dahil lamang sa pagdidikit ng aming mga labi. Parang kuryente ito na dumadaloy sa aking mga ugat at nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "Morning!" tipid kong sagot. Nahihiya rin akong magbuka n

