HINDI matanggap ng puso at isipan ko ang nakita kong closeness nina Mayor Cody, at ang impaktang babaeng iyon na mahaba at makapal ang mukha. Ewan ko ba, dahil kumukulo ang dugo ko sa impaktang iyon tuwing makikita ko siya na kasama siya ni Mayor. Kahit may kasunduhan na kami ni Mayor na kailangan ko munang magtiis at maghintay, hanggang matapos ang election ay hindi ko naman magawa. Mas nangingibabaw talaga ang selos na nararamdaman ko kapag nakikita ko silang magkasama. Dapat ako ang kasama ni Mayor sa kahit saan siya mag punta, dahil ako ang totoong asawa. Dapat ako ang kaunaunahang babae na sumusuporta sa kanya, dahil ako ang pamilya niya. Pero paano nga naman mangyayari iyon, eh, takot nga siyang ilantad ako sa ina niya at sa publiko. Ang plano kong lumabas at mamasyal sa Mall a

