MATAPOS masiguro ni Mayor na maayos na ang lahat sa loob ng Penthouse ay muli siyang umalis, para umuwi sa kanilang Mansion. Kailangan niyang makausap si Kim, dahil sa ginawa ng babae na pananakit kay Haide sa Resto. Hindi kayang palampasin ni Mayor ang ginawang pagsabunot at pagsampal ni Kim sa asawa, kaya kailangan niyang maka usap ang babaeng dahilan ng pasakit ni Haide. Parang gustong manap@k ng tao ni Mayor Cody, kapag naaalala niya ang ginawang pag sabunot ni Kim sa kanyang asawa. Kailangan rin niyang maka siguro na hindi na uulitin iyon ni Kim kay Haide. Nag aalala rin si Mayor, dahil iniisip niya na baka balikan ni Kim ang kanyang asawa sa Resto at muling saktan. Sakay ng kanyang Ducati si Mayor, pabalik sa kanilang Mansion. Matulin niyang pinatakbo ang kanyang Ducati, kaya mabi

