TILA NAPAWI ang lahat ng pagod at alalahanin sa buhay ni Mayor Cody, matapos niyang mabasa ang message ng isa niyang tapat na tauhan. "Mayor, nahanap na namin si Mayora. Nandito siya sa bahay ng kanyang mga magulang dito sa bayan nila sa San Rafael." parang natanggalan din siya ng tinik sa lalamunan, dahil sa magandang balita na natanggap. "Stan, maghanda kayo. Bukas ng gabi, pupunta tayo sa San Rafael. Susunduin ko na ang asawa ko." sambit ni Mayor sa kanyang kanang kamay. Napalingon naman si Stan, dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Mayor. "Nahanap na si Mayora, Boss?" hindi makapaniwalang tanong ni Stan sa amo. "Yeah! Nasa San Rafael siya, sa bahay ng kanyang mga magulang." sagot ni Mayor na may matamis na ngiti sa labi. "Magandang balita yan, Mayor." naka ngiting sagot

