KINABUKASAN ay maagang namalengke ang mga tauhan ni Mayor Cody, para sa kanilang mga kailangan sa bahay. Namili sila ng napakaraming karne ng baboy, baka, manok, may mga sariwang isda, at mga gulay na pang sahog. Dalawang lalaki ang nasa palengke at dalawa naman ang nasa loob ng grocery, para mamili ng mga kailangan nilang pagkain. Halos mapuno ang dalawang car boot sa dami ng kanilang pinamili. Agad rin silang nagsipag luto, pagka uwi nila sa bahay. Nag luto sila ng tinolang native na manok, inihaw na bangus at tilapia, at mayroon pa silang adobong baboy. Parang may fiesta, dahil sa dami nilang niluto. Ang dami rin kasi nilang sumama sa San Rafael. Halos kalahati sa mga tauhan ni Mayor Cody ay dala niya sa probinsya. Pag gising ni Mayor Cody ay agad siyang naligo at nagpalit ng casual

