"Salubungin sila!" malakas na sigaw ng may edad na lalaki sa kanyang mga tauhan. Nagulat sila sa ilang mga helicopter ang bigla na lang nagsipagdatingan sa lugar, para lusubin ang kanilang hideout. Agad na nagtakbuhan palabas ang mga tauhan ng matanda at inabangan nila ang mga paparating na helicopter. Malayo pa ang mga ito ay pinapaulanan na nila ng b@la. **** "Boss, mukhang palaban ang mga tauhan nila sa baba." saad ni Stan kay Mayor Cody. "Bigyan sila ng reward, para matuwa naman sila!" sagot naman ni Mayor sa kanang kamay na may mapaglarong ngiti sa labi. "Yes, Boss!..." tuwang-tuwa na tugon ni Stan. Agad niyang kinuha ang dala niyang b@zøøka at inilagay sa hook, para hindi mahulog. Isinuot rin niya sa katawan ang belt na nasa bubong ng helicopter, para hindi siya mahulog ka

