MATAPOS naming kumain ni Mayor ay agad na rin kaming umalis. Nagulat din ako kay Mayor, dahil nay inilagay siyang parang maskara sa kanyang mukha. Para itong totoong mukha ng tao na idinikit niya sa kanyang mukha, kaya bigla na lang siyang hindi makilala. Napakalayo na ng mukha niya sa mukhang makikita sa Maskara na suot niya. "Mayor, bakit ka naglagay ng ganyan sa mukha mo? Mas guwapo ka kaya sa totoo mong mukha, kaysa dyan sa inilagay mong maskara, para kang matanda." hindi ko napigilan ang sarili ko na tanong kay Mayor. Tumigil din ako sa paglabas, dahil naiilang ako sa bago niyang mukha. Parang nagmukha na tuloy siyang 50 years old sa bago niyang mukha. "Kailangan kong mag disguise, Haide, para hindi ako makita at makilala ng mga tao, kapag nagpupunta ako dito sa Penthouse na ito. Ay

