MAGKAKASUNOD na napalunok si Benjie, dahil sa takot niya sa banta sa kanya ni Mayor Cody. Hindi rin maipinta ng kahit sinong pinakamagaling na pintor ang mukha ni Sir Benjie ang kanyang mukha, dahil sa pagkalukot nito. Parang gusto ko tuloy matawa, dahil sa naging reaction ni Sir Benjie, sa sinabi ni Mayor. "Mayor naman, alam mo naman na ito lang ang pinagkukunan ko ng pangpaaral sa mga anak ko, tapos sesesantihin mo ako. Huwag naman ganon, Mayor. Hayaan mo po, Mayor, sisiguraduhin kong hindi mapapagod si Ms. Haide dito sa loob ng Dynasty. Kahit panuorin niyo pa siya maghapon dito. Pag-uwi ni Ms. Haide, siguradong fresh na fresh pa rin ang looks niya." saad ni Sir Benjie, saka nito tinawag ang mga waitress at waiter, para ipakilala ako. "Kayong lahat, makinig!..." panimula ni Sir Benjie.

