MULING binuhat ni Mayor si Haide at ipina upo niya ito sa Sofa, para maka kain ng hapunan. Inayos rin niyang mabuti ang pagkakaupo nito at nilagyan pa ng unan ang likuran ng dalaga. Nilagang baka, sweet and sour pork at butter garlic prawn ang ipinabiling ulam ni Mayor, kaya pagkakita pa lang ni Haide sa mga pagkain ay natakam na siya kaagad. Lahat ng mga naka hain sa kanyang harapan ay paborito niya. Bigla rin tumunog ang kanyang tiyan, dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng gutom pagka amoy pa lang niya sa mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. "Kain na Babe, nagpaparamdam na ang tiyan mo. Gutom na daw." sambit ni Mayor. Nilagyan rin niya ng kanin at ulam ang plato ni Haide. Inilagay rin niya sa harapan nito ang isang bowl na may laman na sabaw ng nilagang baka. "Thank you, Mayor." pasal

