HINDI natuloy ang tangkang pagsampal ni Kim kay Haide, dahil biglang nabitin ang kamay niya sa ere. Hinabol siya ni Katrina sa loob ng office ni Haide, at mabilis nitong hinuli ang kamay niya at pinilipit ng husto, saka hinila siya palayo kay Haide. "Aaaah! Ouch! My arm!" malakas na daing ni Kim. Halos hindi rin maipinta ang kanyang mukha, dahil sa sakit ng kamay niyang pinilipit ni Katrina. "Halika dito, bruha ka, ha!... Wala kang karapatang pumasok sa opisinang 'to na walang pahintulot! Kakalbuhkn kita, pùnÿɛta ka! Kahit sino o ano kapa, hindi ako natatakot sa 'yo." nanggigigil na wika ni Katrina, saka niya isialya sa Sofa si Kim. Hindi rin niya namalayan ang mga kamay niya na sinabunutan ang buhok ni Kim, at pinagsasampal pa niya ito sa mukha. Hindi nakagalaw si Haide, dahil sa bi

