DAHAN-DAHAN na nilapitan ni Mayor Cody ang asawa at niyakap niya ito mula sa likod. "Babe, sorry na... Nabigla lang ako." pabulong na wika ni Mayor sa asawa. Hinalikan rin niya ang likod ng tainga nito, at leeg. "Babe, patawarin mo na ako. Promise, hindi na ako sisigaw." dagdag pa nito. "Urong ka nga do'n! Ang laki-laki ng kama, tapos nakikisiksik ka dito sa gilid. Inaantok na 'ko." nayayamot na sagot ni Haide, at siniko rin niya ang tiyan ni Mayor, para lumayo ito sa kanya. Ngunit hindi naman lumayo si Mayor. Dahil mas lalo pa siya nitong niyakap at hinila patungo sa gitna ng kama, saka dinantayan ang kanyang mga paa para hindi siya makagalaw. "Ano ba!" reklamo ni Haide, ngunit hindi naman siya makagalaw, dahil sa higpit ng pagakakyakap sa kanya ni Mayor Cody. Muling napangiti si Mayo

